Friday, March 8, 2019

Karagatan ay Pahalagahan



Sa pagsikat ng araw sa dakong Perlas ng Silangan. May gintong pag-asa tayong matatanaw. Kung ang lupa'y mayroong biyayang tinataglay, sa dagat nama'y merong gintong tanging kayamanan. Ang mga mandaragat ay may mga mithiing magigiting upang mapaunlad itong bayan natin. Sa buong  sambayanan iniaalay nila ang kanilang puso't lakas mapakain lang ang sangkatauhan. Sa bayan nating ginigiliw, nakalaan na kung ano ang dapat nating gawin sa mga pangyayaring 'di ka nais-nais!


Pilipinas? Isa sa mga Asyanong bansang naging produksiyon ng isda at mga tuna o iba pa. Lingid sa ating kaalaman na ang pangisdaan sa ating bayan ay unti-unting kumukupas dahil sa ating mga ginagawa na kailanman ay 'di natin maipagmamalaki. Sa pagdaan ng taon, oras o maging segundo maraming nangyayari. Mula dito hanggang doon ang basura ay kumakalat. Aminin mo kababayan ko na ikaw mismo ay naging dahilan kung bakit ang dagat noon ay kulay asul ngayo'y naging itim! Ni mismong mga isda ay nagsisimulang mamamatay ng dahil sa mga kemikal na napunta sa dagat at ito ay kanilang nakain. 



Alam mo ba na tinatahak ng mga mangingisda ang laot para sa kanilang pamilya para sila ay may makain at lalong lalo na para sa taong bayan? Para makabili lang ng tinapay at gatas sa munting tindahan? Kahit na talo sa huli at gasolina, iilang kilong isda ay sapat na pangsaing , paang-ulam , o pamatid gutom. Dahil walang linaw ang batas ng kasagutan, sapat na ang isang kilong isda para sa isang pinggang pagkain. 

Natatandaan mo pa ba ang sinabi ni Gat. Jose Rizal na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan. Kaya kilos na kabataan, maghihintay pa ba tayo sa huling pagsisisi?Maraming bagay-bagay sa kasalukuyan ang nangyayari sa ating lipunan. Natakpan na ating karagatan ng makapal na ulap.

Matuto tayong maging responsable sa paggamit ng mga "natural resources". Iwasan natin ang pag tatambak ng mga basura sa kahit saang lugar lalong lalo na sa ating karagatan na kung saan nakasentro ang ating pinagkukunan ng ulam katulad ng isda at iba pa. Ugaliin nating maging maalam sa bawat bagay na ating gawin, na kung ito ba'y makakabuti o makakasama sa ating inang kalikasan o sa ating munting pangisdaan. Iwasan nating ang paggamit ng mga bagay na may halong kemikal sa pangingisda at isa na diyan ay ang "Dynamite Fishing". Dahil sa huli sa atin pa din ang babalik ang mga bagay na iyan. 

"Alagaan ang karagatan dahil pangingisda ay buhay para sa mga sumusunod na henerasyon. Karagatan pahalagahan!"





Bloggers:

Clint Mayormita, Dhanica Amor Duerme, Angelyn Rodriguez, April Claire Anggong, Rajiel Jane Leguro, Emman Roy Pielago